Negosyante niratrat
- BULGAR
- Apr 28, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | April 28 2022
BATANGAS – Isang 49-anyos na negosyante ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Poblacion 5, Talisay sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Restituto Petate, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nakaupo si Petate sa loob ng kanyang kotse kasama ang kanyang misis at dalawang anak nang sumulpot ang dalawang salarin at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.



Comments