top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Negosyante nilikida sa tindahan

BULGAR
Oct 15, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 15, 2022


ALBAY—Isang negosyante ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa loob ng kanyang tindahan sa Bgy. Libtong, Libon.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Jeson Se, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nasa loob ng kanyang tindahan si Se nang biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo ng salarin sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page