Negosyante nilikida sa loob ng bahay
@Balitang Probinsiya | September 2, 2022
MASBATE—Isang negosyante ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa loob ng kanilang bahay Bgy. San Agustin, Aroroy.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Allan Sanggo, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nasa loob ng kanilang bahay si Sanggi nang biglang pumasok ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo ng mga salarin sa pamamaslang sa biktima.



Comments