Negosyante nilikida ng riding-in-tandem
- BULGAR
- Dec 13, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 13, 2022
LAGUNA—Patay ang negosyante nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa national highway sa bayan ng Siniloan.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Arnel Santiago, 55-anyos, residente ng Santa Maria, sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Santiago nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Santiago.



Comments