top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Negosyante, nilikida ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 24, 2022


LAGUNA--Patay ang negosyante nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Puting Kahoy, Rosario.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Rodel Alegria, nasa hustong gulang, nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, nasa loob ng kanyang tindahan si Alegria nang huminto sa harap ng establisimyento ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang hindi kilalang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page