top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Negosyante nabiktima ng 'salisi gang'

BULGAR
Aug 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 27, 2022


ISABEL—Isang negosyante ang natangayan ng P200,000 cash matapos mabiktima kamakalawa ng isang miyembro ng "Salisi Gang" sa palengke ng bayan ng San Mateo.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Joy Perlas, nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, isang babae umano ang bumili sa panindang karne ng manok ni Perlas at pagkaalis ng suspek ay napuna ng biktima na nawawala na ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng naturang halaga na nakapatong sa lamesa.


Sinikap ng biktima na hanapin ang suspek, pero hindi na niya ito nakita.


Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page