Negosyante arestado sa shabu

@Balitang Probinsiya | November 21, 2020
ISABELA—Isang negosyante ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Rizal, Santiago City.
Nakilala ang suspek na si Philip Barao, residente sa naturang bayan.
Nabatid na nagsagawa ng drug-bust operation sa naturang barangay at nang pagbentahan ni Barao ng shabu ang mga operatiba ay agad itong dinakip.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments