Natutulog, sinaksak ng magsasaka
@Balitang Probinsiya | November 12, 2021
CAPIZ—Sugatan ang isang lalaking natutulog nang saksakin ng magsasaka kamakalawa sa Bgy. Malagab-i, Cuartero.
Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng saksak sa katawan na si Sanvi Batoleno, 30-anyos, samantalang hindi muna pinangalanan ang suspek hangga’t hindi ito nadarakip ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, natutulog umano si Batoleno sa loob ng kanilang bahay nang pumasok ang suspek at agad sinaksak ang biktima.
Nabatid na matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek.
Dinala naman agad ng mga residente ang biktima sa ospital



Comments