top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Napabayaang kandila, sanhi ng sunog

BULGAR
Jun 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 27, 2022


NAGA CITY--Isang bahay ang tinupok ng apoy dahil sa napabayaang nakasinding kandila kamakalawa sa Bgy. Mabolo.


Ang may-ari ng bahay na nasunog ay nakilalang si Junie Contante, nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa nasabing bahay kaya tumawag sila ng mga bumbero, at naapula rin ang apoy makalipas ang higit isang oras.


Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na sunog.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, ay napag-alaman ang sanhi ng sunog ay ang napabayaang may sinding kandila sa loob ng bahay ni Contante.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page