Nanutok ng boga sa sekyu, arestado
@Balitang Probinsiya | May 31, 2022
ALBAY – Isang magsasaka ang inaresto ng pulisya dahil sa ginawa nitong panunutok ng baril sa isang security guard kamakalawa sa Bgy. Estancia, Malinao sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Richard Casaul, 32-anyos, samantalang hindi na pinangalanan ang biktima, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng pagtatalo si Casaul at ang security guard ng isang eskuwelahan sa nasabing barangay hanggang tutukan ng baril ng suspek ang biktima.
Sa takot ng security guard ay humingi ito ng tulong sa pulisya kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa mga kasong grave threat at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments