top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nanutok ng boga sa bagets, arestado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | July 16, 2020



ISABELA—Isang helper ang inaresto ng pulisya dahil sa panunutok nito ng baril sa isang binatilyo kamakalawa sa Bgy. Alao East, Santiago City.


Kinilala ang suspek na si Pablo Sagabaen, residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang naglalakad umano ang binatilyong itinago sa pangalang “Melvin”, 16-anyos ay nakasalubong nito si Sagabaen at sa hindi malamang dahilan ay tinutukan ng baril ng suspek ang biktima.


Dahil sa takot ay tumakbo ang biktima at isinumbong sa kanyang mga magulang ang pangyayari at pagkaraan ay humingi sila ng tulong sa pulisya kaya inaresto ang suspek na nakumpiskahan ng .45 pistola.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa mga kasong grave threat at illegal possession of firearms and ammunitions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page