Nanloob ng grocery store, timbog
@Balitang Probinsiya | April 30, 2022
CAVITE – Isang magnanakaw ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Molino 3, Bacoor City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Emman Songgalia, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, isang grocery store ang nilooban ni Songgalia sa nasabing barangay, pero may nakakita sa ginagawa niyang pagnanakaw sa ilang kagamitan ng establisimyento.
Dahil dito, agad inireklamo ng supervisor sa pulisya si Songgalia kaya inaresto ito ng mga awtoridad.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong qualified theft.



Comments