top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Nanlabang tulak, tepok sa shootout

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 22, 2020



LAGUNA—Isang notoryus na drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Dayap, Calauan.


Ang suspek ay nakilalang si Adam Villanueva, nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, aarestuhin sana ng mga operatiba si Villanueva sa buy-bust operation, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.


Kaagad gumanti ng putok ang mga tauhan ng pulisya kaya napatay ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng pakete ng shabu, baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page