Nanlabang komunistang npa, dedbol

@Balitang Probinsiya | January 27, 2021
SORSOGON—Isang nanlabang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. San Antonio, Barcelona.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Michael Bagasala, alyas Ka Teban, miyembro ng NPA-Bicol Regional Party Committee na nakabase sa naturang lalawigan.
Nabatid na darakpin sana ng pulisya si Bagasala, pero biglang nanlaban at pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Kaagad namang nakaganti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.
Nabatid na nakarekober ang pulisya ng kalibre .45 pistola at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments