Nangmolestiyang laborer, arestado
- BULGAR
- Feb 25, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 25, 2022
CAPIZ–Isang laborer nangmolestiya ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Tabuc, Pontevedra.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Vic Tamon, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa kasong pangmo-molestiya sa batang babae.
Nabatid na nakita ng nagpapatrulyang pulosya si Tamon sa nasabing barangay kaya agad itong dinakip.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments