Nangmolestiya sa batang babae arestado
@Balitang Probinsiya | October 8, 2022
CAGAYAN—Isang magsasaka na nangmolestiya sa 7-taong gulang na babae ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Baggao.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan pa ito sa himpilan ng pulisya.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong Acts of Lasciviousness dahil sa pangmomolestiya sa batang babaeng biktima sa nasabing lugar.
Nabatid na nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya ang suspek na naglalakad sa nasabing barangay kaya agad itong dinakip.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments