Nanghuli ng isda, dedbol sa kuryente
@Balitang Probinsiya | February 20, 2022
SORSOGON--Patay ang isang lalaki nang makuryente kamakalawa habang nangingisda sa ilog na sakop ng Bgy. Lungib, Casiguran.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Lamic Penaflor, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, dala ang kanyang de-kuryenteng panghuli ng isda ay nagtungo sa ilog si Penaflor para manghuli ng isdang pang-ulam sa kanyang pamilya.
Nabatid na habang nanghuhuli ng isda ay napahawak sa live wire ang biktima, kaya ito nakuryente.
Kaagad dinala ng mga residente si Penaflor sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments