Nang-rape sa Taguig, tiklo sa Masbate
@Balitang Probinsiya | April 25, 2022
MASBATE – Isang most wanted na rapist sa Taguig City ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Balatucan, Mobo sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Lance Villamor, 20-anyos, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Taguig City.
Ayon sa ulat, nakita ng mga awtoridad si Villamor sa naturang barangay kaya agad itong inaresto.
Hindi na nanlaban at kusang sumama naman sa mga awtoridad ang suspek.



Comments