Nang-rape sa Albay, tiklo sa Bulacan
@Balitang Probinsiya | October 19, 2022
BULACAN—Isang most wanted na rapist sa Albay ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Santa Maria.
Itinago muna ng pulisya ang suspek sa alyas na Jep, nasa hustong gulang habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Albay.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ng rapist, kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments