Nakabigting bangkay ng bebot, natagpuan

@Balitang Probinsiya | December 30, 2020
AKLAN—Isang bangkay ng babae ang natagpuang nakabigti kamakalawa sa puno kabundukan ng Bgy. Guadalupe, Libacao.
Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.
Nabatid na ilang residenteng nangangahoy ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng biktima sa puno sa nasabing barangay.
Ayon sa mga kamag-anak ng biktima ay wala silang alam na dahilan para ito ay magpakamatay.
Dahil dito ay iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.



Comments