top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Nagutom sa bundok, 2 NPA sumuko

BULGAR
Sep 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 12, 2022


SOUTH COTABATO—Dahil sa nararanasang gutom sa bundok, nagpasya ang dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) na sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Lambingi, Banga.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong komunista na kapwa kasapi ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.


Napag-alamang isinuko rin ng mga NPA ang mga dala nilang armas, bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.


Ayon sa mga sumukong NPA, madalas umano silang makaranas ng gutom at nahihirapan na umano silang mamuhay sa bundok kaya sumuko sila sa pamahalaan.


Isinasailalim sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong komunista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page