Nagnakaw ng mga ampalaya, arestado
@Balitang Probinsiya | February 03, 2022
AKLAN–Isang lalaki nagnakaw ng mga pananim na ampalaya ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Linabuan Sur, Banga.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ronie Perera, 20-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakita umano ng biktimang si Reynaldo Siason, nasa hustong gulang, na nasa loob ng kanyang bakuran si Perera at ninanakaw ang mga pananim niyang ampalaya.
Dahil dito ay inireklamo ni Siason si Perera sa pulisya at sa mabilis na pagresponde ay agad nadakip ang suspek.
Nakapiit na si Perera na nahaharap sa kasong qualified theft.



Comments