top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nagnakaw ng karne ng baboy, timbog

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 28, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | October 28, 2020



NUEVA ECIJA—Isang laborer ang inaresto ng pulisya dahil sa pagnanakaw ng panindang karne ng baboy ng lolo kamakalawa sa Bgy. Kalikid Sur, Cabanatuan City.


Nakilala ang suspek na si Rudy Regindin, residente ng Bgy. Padre Crisostomo sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, pasalising ninakaw ni Regindin ang 10 kilo ng panindang karne ng baboy ng biktimang si Crecensio Asuncion, 71-anyos sa naturang barangay, pero nakita ng mga nagrorondang barangay tanod ang pagnanakaw ng suspek.


Kaagad humingi ng tulong sa pulisya ang mga barangay tanod kaya nadakip ang suspek.

Nakapiit na si Regindin na nahaharap sa kasong qualified theft.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page