Nagnakaw ng bisikleta pinaghahanap
@Balitang Probinsiya | October 12, 2022
CAVITE—Isang lalaking magnakaw ang pinaghahanap ng pulisya dahil sa ginawang pagnanakaw sa bisikleta kamakalawa sa bayan ng Noveleta.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.
Ayon sa hindi pinangalanang biktima, paggising niya kinaumagahan ay dito niya natuklasan na nawawala na ang kanyang bisikleta.
Dahil dito, ini-report ng biktima sa pulisya ang pagnanakaw sa kanyang bisikleta.
Sinabi ng pulisya na madali nilang makikilala at madadakip ang suspek dahil nakita ang mukha nito sa CCTV nang nakawin niya ang bisikleta ng biktima.



Comments