Nagnakaw at kumatay sa kalabaw wanted
@Balitang Probinsiya | September 30, 2022
PALAWAN—Pinaghahanap ng pulisya ang mga nagnakaw at kumatay sa kalabaw kamakalawa sa Bgy. Malinao, Narra.
Ang kalabaw na ninakaw at kinatay ay pag-aari ni Moises Padilla, nasa hustong gulang, magsasaka sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nawala sa bukid ang kalabaw ni Padilla at sa ilang oras na paghahanap ay natagpuan niya itong kinatay na, mga buto na lang natira at wala na ang laman at balat.
Dahil dito, agad ini-report ni Padilla sa pulisya ang pagnanakaw at pagkatay sa kanyang alagang kalabaw.
Kung sakaling madakip ang mga suspek, sila ay sasampahan ng kasong theft at paglabag sa Animal Welfare Act of 2017 dahil sa ginawang ilegal na pagkatay sa kalabaw.



Comments