top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nagbenta ng pekeng gold bar, tiklo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 17, 2023


CAMARINES SUR -- Isang lalaki na nagbenta ng pekeng gold bar ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Felipe, Naga City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si James Rodriguez, nasa hustong gulang at nakatira sa Taguig City.


Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Rodriguez sa isinagawang buy-bust operation kaugnay sa ibinebenta nitong pekeng gold bar.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba sa nabanggit na barangay.


Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang isang pekeng gold bar at markadong pera.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page