top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Naaagnas na bangkay, natagpuan sa sapa

BULGAR
Jan 6, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 6, 2023


CAMARINES SUR—Isang naaagnas na bangkay ng lalaki ang natagpuan kamakalawa sa sapa na sakop ng Bgy. San Rafael, Lagonoy.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jerry Claronino, 22-anyos, residente ng Bgy. Camagong, San Jose sa nasabing lalawigan.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa naagnas na bangkay ng biktima sa Malabog Creek sa nasabing barangay.


Huli umanong nakitang buhay si Claronino habang namimingwit ng isda noong bisperas ng Bagong Taon.


Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang sanhi ng ikinamatay ni Claronino at kung may naganap na foul play sa kamatayan nito o kung aksidenteng nalunod sa sapa ang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page