Multicab bumangga sa trak, 2 kritikal
- BULGAR
- Feb 11, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 11, 2022
AKLAN–Dalawang lalaki ang nasa kritikal na kalagayan matapos aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang multicab sa nakaparadang pick-up kamakalawa sa Bgy. Lalab, Batan.
Hindi na muna pinangalanan ang dalawang biktima hangga’t hindi naipagbibigay-alam sa kanilang pamilya ang naganap na aksidente.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang driver ng multicab sa pagmamaneho kaya bumangga ito sa isang nakaparadang trak sa gilid ng kalsada.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan pa silang inoobserbahan sa pagamutan.



Comments