top of page
Pokwang.jpg

Mr. Right ng 42-anyos na ayaw tumandang dalaga, darating sa 2021

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| November 5, 2020




KATANUNGAN

  1. Maestro, kung sakali bang iisa lang ang Marriage Line sa palad, tapos nagka-boyfriend na, ibig sabihin ba nito ay nangyari na ‘yung Marriage Line na ‘yun at hindi na siya magkaka-boyfriend ulit, kaya tatandang talaga na siya habambuhay?

  2. Ganu’n kasi ang nakita ko sa palad ko. Dati na akong nagkaroon ng boyfriend noong high school ako at nag-break lang kami noong nasa college na kami. Siya na ba ang kaisa-isang Marriage Line na nakikita ko sa aking mga palad at wala na bang susunod na lalaking darating sa buhay ko?

  3. Sa ngayon, ako ay 42-anyos na at hanggang ngayon ay hindi na ulit ako nagka-boyfriend. Sa palagay n’yo, Maestro, makapag-aasawa pa ba ako at magkakaroon ng masayang pamilya, na gusto ko sanang mangyari kaysa tumandang dalaga ako habambuhay?

KASAGUTAN

  1. Depende sa unang pakikipag-boyfriend o pakikipagrelasyon ‘yang sinasabi mo, Irish. Kung ang unang pakikipagrelasyon mo noong high school ka ay tumagal ng mahabang panahon at may quality relationship na tinatawag, ‘yun bang talagang parang mag-asawa na kayo, posible ngang siya o ang relasyong nabanggit ang larawan ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Subalit kung hindi naman, kung halimbawang ang relasyong ito ay kunwa-kunwarian lang, ibig sabihin ay hindi naman seryoso. Sa halip, bihira naman kayong mag-date at magkasama o bihira kayong magkasarilinan at hindi naman kayo madalas magtalik, kumbaga, hanggang pahawak-hawak lang sa kamay at pa-kiss-kiss lang sa pisngi, tiyak ang magaganap. May isa at mas matinding pag-ibig pa na kakatok sa iyong buhay, na madali namang kinumpirma ng pag-posisyon ng nasabing kaisa-isang Marriage Line (1-M arrow a.), na mas mataas o masyadong malayo sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) at malapit lapit sa pinakailalim ng hinliliit. Ito ay nagbabadya ng petsa kung saan humigit-kumulang early 40s o mid-40’s ka pa posibleng makaranas ng grabe, seryoso at totohanang pakikipagrelasyong hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa.

DAPAT GAWIN

Irish, sa edad mong 42, hindi ka naman dapat mawalan ng pag-asa. Sa halip, ayon sa iyong mga datos, isang lalaki na medyo katamtaman ang pangangatawan, nagtataglay ng kayumangging kulay ng balat ang darating, magiging kaibigan mo, na sa bandang huli ay magugustuhan mo na rin siya. Pagsapit ng 2021 sa edad mong 43 pataas, tuluyan nang magaganap ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, nagbabadya ng katuparan ng malaon mo nang pinpangarap– ang makaranas ng simple pero masaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page