Motorsiklo nabangga ng van, rider todas
@Balitang Probinsiya | June 6, 2022
AKLAN--Isang 53-anyos na rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng van ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Union, Nabas.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ismael Salaber, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng van na minamaneho ni Ed Sabigan, nasa hustong gulang, kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Napag-alamang sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang sinampahan na ng pulisya si Sabigan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments