top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Motorsiklo kinarnap

BULGAR
Jul 22, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 22, 2022


PALAWAN—Isang motorsiklo ang kinarnap kamakalawa sa Bgy. Masagana, El Nido.


Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang biktimang nagmamay-ari ng motorsiklong kinarnap sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, ipinarada umano ng biktima ang kanyang motorsiklong Rusi 110 na may sticker number 49 sa tapat ng establisimyento at pumasok sa loob nito at sa kanyang paglabas ay wala na ang naturang sasakyan.


Sa imbestigasyon ng pulisya ay nakita sa CCTV na isang hindi kilalang lalaki ang tumangay sa motorsiklo.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa karnaper.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page