Motorsiklo bumangga sa tricycle, 2 kritikal
@Balitang Probinsiya | October 13, 2022
AKLAN—Dalawang lalaki ang nasa kritikal na kalagayan nang aksidenteng bumangga sa tricycle ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Linabuan Norte, Kalibo.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima kaya bumangga ang mga ito sa tricycle na paliko sa kalsada sa nabanggit na barangay.
Sa lakas ng pagkakabangga ay nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo, mukha at katawan ang mga biktima.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na aksidente.



Comments