top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Motorsiklo at tricycle nagbanggaan, 4 sugatan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 27, 2022


AKLAN–Apat katao ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang tricycle at motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Libas, Banga.


Ang mga biktima ay ang magkaangkas sa motorsiklo na sina Rommel Batiles, 22-anyos at Nika Agaran, 21-anyos, at ang mga nakasakay sa tricycle na sina Dennis Ruiz, 27-anyos at Ernie Melgarino, 25-anyos, pawang residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Batiles at tricycle na minamaneho ni Ruiz kaya aksidenteng nagkabanggan sa naturang barangay ang dalawang sasakyan.


Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na pawang ginagamot na sa ospital.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung sino kina Batiles at Ruiz ang may pananagutan sa aksidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page