top of page
Search
  • BULGAR

Most wanted, sugatan sa shootout

@Balitang Probinsiya | August 28, 2023


LAGUNA -- Isang most wanted criminal ang sugatan nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Banilan, Pakil sa lalawigang ito.


Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Roen Borlaza, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay


Nabatid na dadakpin sana ng mga awtoridad si Borlaza kaugnay sa kasong may kinalaman sa droga, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.


Agad namang nakaganti ng putok ang mga awtoridad kaya tinamaan ng bala ang suspek at duguan itong bumagsak, saka nilapitan ng mga operatiba at dinala sa pagamutan.


Sa ngayon ay inoobserbahan sa ospital ang suspek.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page