Most wanted ng Sorsogon huli sa Cavite
@Balitang Probinsiya | September 9, 2022
CAVITE—Isang most wanted criminal sa Sorsogon ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Malainen, Naic.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Eduardo Espidillion, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa Sorsogon.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ni Espidillion kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing barangay.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments