top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Most wanted ng Quezon huli sa Sorsogon

BULGAR
Jan 12, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 12, 2023


SORSOGON—Isang most wanted criminal sa Quezon ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. La Union, Castilla.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Michael Zepeda, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing bayan.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa Quezon.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek, kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ito sa nasabing barangay.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page