- BULGAR
Most wanted ng Masbate timbog sa Cavite
@Balitang Probinsiya | May 30, 2022
CAVITE – Isang most wanted criminal sa Masbate ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Juan Cordero, 26-anyos, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa Aroroy, Masbate.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Cordero kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang suspek sa nasabing barangay.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.