top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Most wanted ng guimaras, nasakote sa palawan

Writer: BULGAR
BULGAR
May 7, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 7, 2023


PALAWAN—Isang most wanted sa Guimaras ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Pasadena, El Nido sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Beltran dela Cruz, 54, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alaman na dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong kasong rape at acts of lasciviousness sa Guimaras.


Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang manyakis.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page