Most wanted, nasakote
- BULGAR
- Jun 18, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 18, 2022
CAMARINES NORTE–Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Iberica, Labo.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 2-counts ng attempted murder sa lalawigan.
Napag-alamang may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dito dinakip ang naturang most wanted.



Comments