Most wanted nasakote
- BULGAR
- May 23, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 23, 2022
CAVITE – Isang most wanted criminal ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Biga 2, Silang sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Michael Sarmiento, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong acts of lasciviousness.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Sarmiento kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang suspek sa nasabing barangay.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.



Comments