Most wanted, nasakote

Updated: Jan 9, 2021
@Balitang Probinsiya | January 6, 2021
AKLAN—Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Dumalag.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Conradelf Coroz, residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong reckless imprudence resulting to double homicide.
Napag-alamang may nagbigay-impormasyon sa pulisya na umuwi sa kanilang bahay si Coroz kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng pulisya.



Comments