top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Most wanted na rapist, timbog

BULGAR
Aug 13, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 12, 2022


AKLAN—Isang most wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Talon, Altavas.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Dante Gerona, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa naturang bayan.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya si Gerona sa nasabing lugar kaya agad itong dinakip.


Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page