Most wanted na rapist, timbog

@Balitang Probinsiya | December 3, 2020
NUEVA ECIJA—Isang most wanted na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Collado, Talavera.
Ang suspek ay nakilalang si Jay-Ar Tasico, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 2-counts ng kasong rape sa Batangas.
Nabatid na may nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Tasico kaya kaagad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng pulisya sa nasabing barangay.



Comments