top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Most wanted na rapist, tiklo

BULGAR
Dec 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 27, 2022


NUEVA ECIJA—Isang most wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Entablado, Cabiao.


Hindi muna pinangalanan ng mga awtoridad ang suspek habang iniimbestigahan ito ng pulisya.

Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pinagtataguan ng rapist, kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.


Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page