- BULGAR
Most wanted na rapist, tiklo
@Balitang Probinsiya | August 27, 2022
AKLAN—Isang most wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Arcanghel Sur, Balete.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Christian Campo, 20-anyos at pansamantalang nakatira sa naturang bayan.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Ayon sa ulat, nakita ng nagpapatrulyang pulisya si Campo sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.