top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Most wanted na rapist nasakote

BULGAR
Aug 22, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 22, 2022


SORSOGON—Isang most wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy, Sta. Remedios, Bulan.


Kinilala ng pulsya ang suspek na si Kenneth Gordola, 22-anyos, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 2-counts ng kasong rape sa lalawigan.


Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad rumesponde ang pulisya at inaresto ito sa nabanggit na bayan.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page