top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Most wanted na rapist, nasakote

BULGAR
Jul 14, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 14, 2022


CAVITE—Isang most wanted na rapist sa Aklan ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa bayan ng Molino.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Anthony Acuesta, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa naturang bayan.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Aklan.


Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya si Acuesta sa nasabing bayan kaya agad itong dinakip.


Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page