Most wanted na rapist, arestado
@Balitang Probinsiya | February 12, 2022
CAVITE–Isang most wanted na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Toclong, Kawit.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ronnel Grande, 31-anyos, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Nabatid na nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya si Grande sa nasabing barangay kaya agad itong inaresto.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments