top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Most wanted na killer, tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 9, 2023


CAPIZ -- Isang most wanted na killer ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Roxas, Tapaz sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ariel Olog, 29, at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder at frustrated murder sa lalawigan.


Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at kamakalawa lang ito natiyempuhang dakpin.


Kusang sumama naman ang suspek sa pulisya nang hulihin siya sa nasabing barangay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page