Most wanted na killer, nasakote
@Balitang Probinsiya | August 14, 2022
CAGAYAN—Isang most wanted na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Bukig, Aparri.
Ang suspek ay itinago muna ng pulisya sa pangalang "Johnny," nasa hustong gulang habang iniimbestigahan pa ito.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong murder sa lalawigan.
Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya si "Johnny" sa nasabing lugar kaya agad itong dinakip.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments